Can someone help me translate Tanging Yaman and Sa Iyo lamang by Manoling Francisco? Thanks.
Tanging Yaman
KORO:
Ikaw ang aking tanging yaman
Na di lubusang masumpungan
Ang nilikha Mong kariktan
Sulyap ng 'Yong kagandahan
Ika'y hanap sa tuwina
Nitong puso'ng Ikaw lamang ang saya
Sa ganda ng umaga
Nangungulila sa 'Yo, Sinta (KORO)
Ika'y hanap sa tuwina
Sa kapwa ko Kita laging nadarama
Sa Iyong mga likha
Hangad pa ring masdan ang 'Yong mukha (
SA IYO LAMANG
Puso ko'y binihag Mo
Sa tamis ng pagsuyo
Tanggapin yaring alay
Ako'y Iyo habambuhay
Anhin pa ang kayamanan
Luho at karangalan
Kung Ika'y mapasa 'kin
Lahat na nga ay kakamtin
KORO:
Sa 'Yo lamang ang puso ko
Sa 'Yo lamang ang buhay ko
Kalinisan, pagdaralita
Pagtalima aking sumpa
Tangan kong kalooban
Sa Iyo'y nilalaan
Dahil atas ng pagsuyo
Tumalima lamang sa 'Yo (KORO)