Tanging Yaman and Sa Iyo Lamang Hymns

Thread: Tanging Yaman and Sa Iyo Lamang Hymns

Tags: None
  1. Mila Ecle said:

    Default Tanging Yaman and Sa Iyo Lamang Hymns

    Can someone help me translate Tanging Yaman and Sa Iyo lamang by Manoling Francisco? Thanks.

    Tanging Yaman

    KORO:
    Ikaw ang aking tanging yaman
    Na di lubusang masumpungan
    Ang nilikha Mong kariktan
    Sulyap ng 'Yong kagandahan

    Ika'y hanap sa tuwina
    Nitong puso'ng Ikaw lamang ang saya
    Sa ganda ng umaga
    Nangungulila sa 'Yo, Sinta (KORO)

    Ika'y hanap sa tuwina
    Sa kapwa ko Kita laging nadarama
    Sa Iyong mga likha
    Hangad pa ring masdan ang 'Yong mukha (


    SA IYO LAMANG
    Puso ko'y binihag Mo
    Sa tamis ng pagsuyo
    Tanggapin yaring alay
    Ako'y Iyo habambuhay

    Anhin pa ang kayamanan
    Luho at karangalan
    Kung Ika'y mapasa 'kin
    Lahat na nga ay kakamtin

    KORO:
    Sa 'Yo lamang ang puso ko
    Sa 'Yo lamang ang buhay ko
    Kalinisan, pagdaralita
    Pagtalima aking sumpa

    Tangan kong kalooban
    Sa Iyo'y nilalaan
    Dahil atas ng pagsuyo
    Tumalima lamang sa 'Yo (KORO)
    Last edited by Mila Ecle; 11-12-2006 at 07:16 PM.