Humanap Ka Ng Pangit lyrics


INTRO:
Ay naku kasi ano
Ang hihilig kasi sa magagandang lalaki
Ang hilig sa magagandang babae
O anong napala n'yo e 'di wala
Kaya kung ako sa inyo
Makinig na lang kayo sa sasabihin ko
Humanahap ka ng pangit at ibigin mong tunay
'Yan ang dapat mong gawin
Kaya makinig ka sa akin
And it goes a little something like this

Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay
Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay
Isang pangit na talagang 'di mo matanggap
At h'wag ang lalaki na iyong pangarap

Ngunit handang-handang iwanan ka naman sa sandali
Na ikaw ay wala nang ibigay, 'di ba ?
Kaya pangit na lalaki ang hanapin mo 'day
Kung hindi, sige ka puso mo'y mabibiyak
Mawalay man ang pangit hindi ka iiyak

CHORUS:
Humanap ka ng pangit
(H'wag na oy!)
Humanap ka ng pangit
(H'wag na oy!)
Humanap ka ng pangit
(H'wag na oy!)
Ibigin mong tunay
(H'wag na oy!)
(H'wag na oy!)

Isang pangit na babae na mayroong pagtingin
Mangaliwa ka man ah sige lang
Andiyan pa rin
Pagka't ikaw talaga ang kanyang pag-aari
Pag-isipan kang iwanan hindi na maaari
At kung malingat ka man h'wag mag-alala
Sigurado ka naman walang makikipag-kilala
Kung kasama mo siya 'di bale na katakutan okey lang
Kung ikaw naman ay paglilingkuran

CODA:
Kaya't para lumigaya ang iyong buhay
Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay
At kung hindi, sige ka puso mo'y mabibiyak
Mahiwalay man ang pangit hindi ka iiyak 'di ba ?

Sasabihin ko sa inyo kung ano ang nangyari
Na may na-date akong isang pangit na babae
Manliligaw daw niya ay talagang ang dami
Nguni't nang siya'y nakita ko mukha siyang lalaki
At sa akin ay matatawa ka talaga
Pagka't kahawig na kahawig niya si Zorayda
Maniwala kayo't ako'y napaibig niya
Lahat ng aking hilingin 'di tumatanggi
Palagi siyang nakahalik sa aking pisngi

Ako'y "shock" hah!
Araw-araw na t'wing kasama ko siya gusto kong sumigaw
Gusto kong iwanan siya
Nguni't ako'y nag-isip
Ito ba'y totoo o isang panaginip
'Di siya maganda nguni't ako ang kanyang hari
'Yan bang dahilan kaya't kasama ko palagi

Sabihin man nila na ako'y mangmang
Para sa akin kagandahan ay hanggang balat lamang
At sa inyo mayroon akong ibubulong
Second anniversary na namin ito t'song

CODA:
Kaya't para lumigaya ang iyong buhay
Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay
At kung hindi, sige ka puso mo'y mabibiyak
Mahiwalay man ang pangit hindi ka iiyak 'di ba ?

CHORUS 2:
Humanap ka ng pangit
(Sige na nga)
Humanap ka ng pangit
(Sige na nga)
Humanap ka ng pangit
(Sige na nga)
Ibigin mong tunay
Ibigin mong tunay

So you better watch out you better not cry
You better not pout, I'm telling you why
Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay
'Coz the girls and the guys did tell you alright
You have to find out who's naughty who's nice
Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay

Break it down...

Submitted by Guest

Comment Humanap Ka Ng Pangit