Rodrigo Bing – Sinayang Mo lyrics

I
Angkin mo ang gandang nakakabighani
katangiang nasa iyo'y, maiingit sila
katulad mo ay isang bulaklak sa hardin
handog ng langit at ako'y inakit.

II
Ngunit bakit ang iyong ganda'y panlabas lang
bumulag sa kagaya kong umiibig sa'yo
ikaw, pala ay rosas na walang bango
Tinik ay bumaon, puso ko'y sinugatan.

Chorus:
Sinayang mo o giliw ko
mga handog ng Diyos sa'yo
pagkat ang puso mo ay mapaglaro
nilimot ang pag-ibig ko sa'yo.

Repeat ll and chorus 2x
Nilimot ang pag-ibig ko sa'yo
Sinayang ang pag-ibig ko sa'yo

Submitted by Guest