Eva Eugenio – Letras de Pag-ibig Na Walang Danghal

Paano sasabihin sa iyo ang nagdaan
Mga pag-ibig kong panandalian lamang
Yakap at halik sa akin nakamtan
Bago pa kita minahal.

(Repeat Refrain)
Pag-ibig na walang danghal ang alay ko sa iyo
Paano kung malaman mo
Paano kung malaman mong naging kahapon ko
Mahalin mo pa kaya ako.
Pag ibig na walang danghal ang alay ko sa iyo
Matatanggap mo ba ako
Matatanggap mo bang lahat ng kasawian ko
Ako kaya'y iiwanan mo.

(Part Two)
Ibig kong ipagtapat lahat sa iyo sinta
Ako'y nasaktan na sa iba ay lumigaya
Sana'y malaman mo ako'y nagbago na
Dahil sa mahal kita.

(Repeat Refrain)

(Part Three)
Pag-ibig na walang danghal ang alay ko sa iyo
Paano kung malaman mo

Añadido por Guest