Marielle – Letras de May Pagtingin Pa Rin

Álbum: Marielle

Lungkot ang nadama nang bigla na lang
Tayong dalawa’y ‘di na nagkita
Puso ko’y nalito nguni’t ang sabi ko
Sadyang mapagbiro lamang talaga ang mundo.
Dasal ko ay dumating ang araw
Iyong mukha’y muling matatanaw.

Halika na at sa aki’y sabihin,
Nariyan pa ba ang dating damdamin?
‘Wag sanang magalit kung ikaw ay tanungin
‘Pagkat sa iyo’y may pagtingin pa rin.

Ngayo’y nasa ‘kin pa munting alaalang
Iniwan mo noong tayo ay bata pa.
Nguni’t kumupas na sa pagsubok ng panahon
Nangangambang damdamin mo’y
Iba na rin ngayon.
Dasal ko ay dumating ang araw
Muling magtagpo puso nating ligaw.

Ikaw pa rin ang hanap-hanap
Makitang muli’y pinapangarap.
Sana’y bigyang pansin ang aking awitin,
Ito mahal ang aking dalangin
‘Pagkat sa iyo’y may pagtingin pa rin.

P.S.
Lilet wrote this herself when she was only 19 years old according to a radio-TV interview after the launching of her comeback CD as Marielle.

Añadido por Guest