Constantino Yeng – Cool Off lyrics

Huwag ka munang magalit
Ako sana'y pakinggan
Hindi ko balak ang ika'y saktan
Hindi ikaw ang problema
Wala akong iba, 'di tulad ng iyong dinala

Sarili ay 'di maintindihan
Hindi ko malaman ano ba ang dahilan
Nang pansamantalang paghingi ko ng kalayaan
Minamahal kita pero kaylangan ko lang mag -isa

*Chorus:
Huwag mong isipin na hindi ka na mahal
Sarili ko'y hahanapin ko lang
At ang panahon, at ang oras ng aking pagkawala
Ay para rin sa ating dalawa
haaa.. yeah...

Huwag ka sanang lumuha
Sana'y intindihin
ito ang dapat nating gawin
Upang magkakilala pa
at malaman kung tayo ay para sa isa't isa

Huwag mong pigilin ang damdamin
sa aking pagkawala
makahanap ka bigla ng iba
Ngunit pagkakatandaan
na mahal parin kita
pero kaylangan ko lang mag-isa

Repeat *Chorus

Sarili ay 'di maintindihan
Hindi ko malaman ano ba ang dahilan
nang pansamantalang paghingi ko ng kalayaan
minamahal kita pero kaylangan ko lang mag -isa

Repeat *Chorus
Repeat *Chorus

Submitted by Guest