Eraserheads – Pare Ko lyrics

Isang araw...
Pumunta ako sa tindahan ni Aling Nena
Para bumili ng suka.
Pagbayad ko, aking nakita,
Isang dalagang nakadungaw sa bintana.
Natulala ako, laglag ang puso ko.
Nalaglag rin ang sukang hawak ko.
Napasigaw si Aling Nena,
Ako naman ay parang nakuryenteng pusa
Ngunit natanggal ang hiya nang
Nakita ko na nakatawa ang dalaga.
Panay ang sori ko, sa pagmamadali,
Nakalimutan pa ang sukli ko.
Pagdating sa bahay, nagalit si nanay
Pero oks lang, ako ay in-love,
Bago na 'to, 'nay.
Tindahan ni Aling Nena
Parang isang kuwentong pampelikula
Mura na at sari-sari pa ang itinitinda
Pero ang tanging nais ko ay di nabibili ng pera.
Pumunta ako sa tindahan kinabukasan
Para makipagkilala
Ngunit sabi ni Aling Nena
Habang maaga'y huwag na raw akong umasa.
Anak niya'y aalis na
Papuntang Canada,
Tatlong araw na lang ay babay na.
Hindi mapigil ang damdamin,
Ako'y nagmakaawang ipakilala.
Payag daw siya kung araw-araw
Ay meron akong binibili sa tindahan n'ya
Ngunit nang makilala,
Siya'y tumalikod na
At iniwan akong nakatanga.
Tindahan ni Aling Nena
Dito naubos ang aking pera
Araw-araw ay naghihintay
O Aling Nena, plis naman, maawa na
Alam n'yong nangyari?
Wala... (O Diyos ko!) Wala.. . ÿ

Submitted by Guest