Magbago Ka lyrics


'Di ka man lang nag-isip
'Di ka man lang nagsikap
Pinabayaan mo ang iyong kinabukasan
Ba't ka ganyan

'Di naman sila nagkulang
Ibinigay ang 'yong kailangan
Bakit bumagsak ka sa kalokohan
Nagpabaya ka

Lagi kang naglalasing
Magulang mo'y 'di pinapansin
Nais lang naman nila'y sa 'yong kabutihan
Magbago ka

CHORUS
Magbago ka
Magbago ka
Magbago ka

INTERLUDE

Kung lalagi kang ganyan
Ikaw ay walang pupuntahan
Baka umabot ka hanggang sa kulungan
Mag-isip ka

'Di ka ba naaawa
Sa 'yong mahal na ama't ina
Nabibilang na ang kanilang mga araw
Magbago ka

[Repeat CHORUS]

'Di ka ba naaawa
Sa 'yong mahal na ama't ina
Bibiguin mo ba ang kanilang mga pangarap
Magbago ka

[Repeat CHORUS]

Submitted by Guest