Chorus: Puso Ko'y nagtatanga meron ka bang nadarama, napapansin mo ba Lagi na lng nakatingin, ibinubulong na lang sa hangin na minamahal kita o kay tagal ko nang tinago ang damdamin ko sayo, hindi na alam ang gagawin kaya dinadaan na lang sa sulat ko.
Marahil ay iba ang iyong nadarama pero ikaw pa rin ang iniibig ko kahit na suntok sa buwan ang ating kapalaran ay maghihintay pa rin ako sayo
sa isang tulad mo napuno ang damdamin ko dahil lang sa tanga, lang sayo,
sa isang katulad mo
(rap) nakalipas ang mga araw naisin ko mang dumalaw ay di magawang umagaw at sakin ay mangibabaw lakas ng loob puso kong tumutibok pag 'sinubukang kausapin ka sinisinok kayat hayaan mong isalin ko sa papel aking nadarama habang nasa traysikel patungo sa lugar na kung saa'y lagi kang nakikita palaging nasasalubong pag galing ka ng eskwela at pilit na hinahabol mga bakas na iniwan sa hangin ng iyong buhok kahit di man sa malapitan ay makapiling kita di man tulad nila mayaman may pera may kotse sa iyong mga mata ako'y nawawala pag nakita kang tulala lahat ng mga tala sa langit handa kong ibaba hanggang dito na lamang at sana'y iyong unawain ang lagi kong nasa isip at aking dalangin
o kay tagal ko nang tinago ang damdamin ko sayo, hindi na alam ang gagawin kaya dinadaan na lang sa sulat ko.
Chorus: Puso Ko'y nagtatanga meron ka bang nadarama, napapansin mo ba Lagi na lng nakatingin, ibinubulong na lang sa hangin na minamahal kita
o kay tagal ko nang tinago ang damdamin ko sayo, hindi na alam ang gagawin kaya dinadaan na lang sa sulat ko....
Website contains: Gloc9 - Sulat (Feat. Heart) song lyrics; music and general forums; music stories;
spanish & german versions; power lyrics request engine for Gloc9 - Unsorted.