Payapang Daigdig lyrics

Album: Love Was Born On Christmas Day

Ang gabi'y payapa
Lahat ay tahimik
Pati mga tala
Sa bughaw na langit

Kay hinhin ng hangin
Waring umiibig
Sa kapayapaan
Ng buong daigdig

Payapang panahon
Ay diwa ng buhay
Biyaya ng Diyos
Sa sangkatauhan

Ang gabi'y payapa
Lahat ay tahimik
Pati mga tala
Sa bughaw na langit

CODA:
Pati mga tala
Sa bughaw na langit

Submitted by Guest

Comment Payapang Daigdig