The Company – Araw Gabi lyrics

'Di biro ang sumulat ng awitin para sa 'yo
Para akong isang sira-ulong hilo at lito
Sa akin pang minanang piyano tiklado'y pilit nilaro
Baka sakaling mayroong tonong bigla na lang umusbong
Tungkol saan naman kayang awitin para sa 'yo
'Di biro ang gawing sukat ang titik sa tono sampu man aking diks'yonaryo
Kung ang tugma'y 'di wasto, basta't isiping 'di magbabago
Damdamin ko sa iyo

Araw-gabi nasa isip ka
Napapanaginip ka kahit sa'n man magpunta
Araw-gabi nalalasing sa tuwa kapag kapiling ka
Araw-gabi tayong dal'wa

Biruin mong nasabi ko ang nais kong ipahatid
Dapat mo nang mabatid laman nitong dibdib
Tila sampung daang awitin
Natapos kong likhain
Ito ang tunay na damdamin
Tanggapin at dinggin

Araw-gabi nasa isip ka
Napapanaginip ka kahit sa'n man magpunta
Araw-gabi nalalasing sa tuwa kapag kapiling ka
Araw-gabi tayong dal'wa

Araw-gabi...
Tayong dal'wa...
(Araw-gabi nasa isip ka
Napapanaginip ka kahit sa'n man magpunta)
Araw-gabi nalalasing sa tuwa kapag kapiling ka
Araw-gabi tayong dal'wa
Oooohhh...

Submitted by Guest