KAPALIGIRAN lyrics


Album: Masdan Mo Ang Kapaligiran

INTRO

Wala ka bang napapansin?
Sa iyong mga kapaligiran,
Kay dumi na ng hangin
Pati na ang mga ilog natin.

REFRAIN 1
Hindi nga masama ang pag-unlad
At malayu-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim.

Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
Sa langit, 'wag na nating paabutin
Upang kung tayo'y pumanaw man
Sariwang hangin, sa langit natin matitikman.

REFRAIN 2
Mayro'n lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan.

Ang mga batang ngayon lang isinilang
May hangin pa kayang matitikman
May mga puno pa kaya silang aakyatin
May mga ilog pa kayang lalanguyan.

REFRAIN 3
Bakit 'di natin pag-isipan
Ang nangyayari sa ating kapaligiran
Hindi nga masama ang pag-unlad
Kung hindi nakakasira ng kalikasan.

Darating ang panahon, mga ibong gala
Ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayon'y namamatay dahil sa ating kalokohan.

REFRAIN 4
Lahat ng bagay na narito sa lupa
Biyayang galing sa Diyos kahit no'ng ika'y wala pa
Ingatan natin at 'wag nang sirain pa
'Pagkat 'pag Kanyang binawi, tayo'y mawawala na.

[Repeat REFRAIN 2]

Submitted by Guest