Jaya – Magmula Nang Ibigin Ka lyrics

Hindi na kailangan sabihin pang sa akin
Na ako ang 'yong mahal
'Di ba't halos ang buhay mo
Sa akin ay iyong isinugal
Kaya't di na dapat pang sabihin mo
Ang 'yong nararamdaman
Kahit na may ibang mag-aalay
Ng pag-ibig niya at buhay
'Di ko matatanggap kahit na kailanman
Ang puso ko'y iisang kausap
At ayaw ng palipat-lipat
Magmula ng ibigin ka at aking tinanggap

Hindi mag-iiba dahil ang damdamin ko'y
Ikaw lang ang kilala
Mayroon mang mag-alok sa 'kin
Ng pag-ibig, kahit anong ganda
Hindi na nga mawawala sa puso ko
Magmula ng ibigin ka

Kahit na may ibang mag-aalay
Ng pag-ibig niya at buhay
'Di ko matatanggap kahit na kailanman
Ang puso ko'y iisang kausap
At ayaw ng palipat-lipat
Magmula ng ibigin ka at aking tinanggap

Magmula nang ibigin ka...hmm

Submitted by Guest