Sabi Mo lyrics


Sabi mo sa 'kin ay 'di mo 'ko iiwan
Maging hanggang sa magpakailanman
Noong una tayong dalawa ay nagsumpaan
Yuon pala'y bukang-bibig mo lang
Mabuti pa ay di na tayo nagmahalan
Nang sa ganoon ay 'di na tayo nasaktan
Luha pala ang siyang ating patutunguhan
Paglisan mo ang ating kahahantungan

REFRAIN:
Sabi mo ako'y iyong iibigin
Sabi mo ako'y sasambahin
Ngunit lahat ng iyong mga pangako
Walang nangyari, lahat ay naglaho
Sabi mo ako'y iyong iibigin
Sabi mo ako'y sasambahin
Ngunit lahat ng aking mga hangarin
Napawi ng sinungaling mong damdamin
Ngayong tayong dalawa'y 'di na magkasama
At ikaw ay nasa piling na ng iba
Totoo bang pagtingin mo'y di magbabago
Naaalala mo pa ba ang sabi mo

Sabi mo ako'y iyong iibigin
Sabi mo ako'y sasambahin
Ngunit lahat ng iyong mga pangako
Walang nangyari, lahat ay naglaho
Sabi mo ako'y iyong iibigin
Sabi mo ako'y sasambahin
Ngunit lahat ng aking mga hangarin
Napawi ng sinungaling mong damdamin
Ngayong tayong dalawa'y 'di na magkasama
At ikaw ay nasa piling na ng iba
Totoo bang pagtingin mo'y di magbabago
Naaalala mo pa ba ang sabi mo

Naaalala mo pa ba ang sabi mo
Mahal ko, alam kong iyon ang sabi mo

Submitted by Guest

Comment Sabi Mo