Regine Velasquez – Ako'y Iyong-iyo lyrics

Album: Covers

Ilang beses na 'kong sumabit
Tuwing ito'y sumasapit
Nauubos ang mga palusot ko
Irog ako'y nagsisi
Huwag nang mabusisi
Peksman, ako ay magbabago

Refrain 1:
Batid ko ang kasalanan
Patawad na hirang
Di ba't tayo'y nagsumpaan
Tungo nati'y simbahan
Tapusin na natin ang mga tampuhan
At tiyak iyong maaasahan

Chorus:
Ako'y iyong-iyo
Huwag mo na sanang pahirapan ang damdamin ko
Sana ako'y pakinggan mo
'Pagkat di na mauulit ang panloloko
Ako'y iyong-iyo
Huwag mo na sanang pahirapan ang puso ko
Sana ako'y pakinggan mo
'Pagkat di na mauulit ang panloloko

Ngayon ako'y nagpapaakap
Walang mga bisyo
Kung 'di magpaalipin sa'yo
Tanging ikaw ang ligaya
Dulot mo ay pag-asa
At sa akin ay wala nang iba

Refrain 2:
Magmula nga ngayon ako ay nangangako
'Di bibigyan ng pansin o tingin ang tawag ng tukso,
woah
Tapusin na natin ang mga tampuhan
At tiyak iyong maaasahan

( Repeat Chorus )
( Repeat Refrain 2 )
( Repeat Chorus )

Iyong-iyo?

Ako'y iyong-iyo
Huwag mo na sanang pahirapan ang puso ko
Sana ako'y pakinggan mo
'Pagkat di na mauulit ang panloloko

Iyong-iyo (La la la la la.)

Submitted by Guest