Piolo Pascual – Letras de Kaibigan Mo Ako

I

Alam kong nasaktan ka na dati
Nagmahal at nasawi
Nabigo sa pag-ibig
Tahan na giliw wag nang lumuha
Kalimutan mo na siya
Sa ‘kin ay lumapit ka

II

Kung ika’y nalulungkot
At isip mo’y gusot-gusot
Sana ay dinggin ang sasabihin ko

III

Kaibigan mo ako
Nalalaman mo ba ito
Sa lahat ng oras ay maaasahan mo
Kahit na nag-iisa
Ay laging may kasama ka
Ngalan ko’y tawagin mo
Kaibigan mo ako

IV

Ganyan lang talaga ang pag-ibig
Kahit na anong gawin
May masasaktan pa rin
Repeat II, III

Añadido por Guest