Regine Velasquez – Kastilyong Buhagin lyrics

Minsan ang isang pangako'y maihahambing
Sa isang kastilyong buhangin
Sakdal rupok at huwag di masaling
Guguho sa ihip ng hangin

Ang alon ng maling pagmamahal
Ang siyang kalaban niyang mortal
Kapag dalampasiga'y nahagkan
Ang kastilyo ay nabubuwal

Kaya't bago natin bigkasin
Ang pagsintang sumpa
Sa minumutya sa diwa't gawa
Pagkaisipan nating kung pag-ibig ay wagas
Kahit pa magsanga ng landas

Minsan dalawang puso'y nagsumpaan
Pag-ibig na walang hanggan
Sumpang kastilyong buhangin pala
Pag-ibig na pansamantala

Kaya't bago natin bigkasin
Ang pagsintang sumpa
Sa minumutya sa diwa't gawa
Pagkaisipan natin kung pag-ibig ay wagas
Kahit pa magsanga ng landas

Minsan dalawang puso'y nagsumpaan
Pag-ibig na walang hanggan
Sumpang kastilyong buhangin pala
Pansamantala, luha ang dala
'Yan ang pag-ibig na nangyari sa atin
Gumuhong kastilyong buhangin

Submitted by Guest