Akoy Maghihintay lyrics

[Mark]
Alam kong ikaw ay bata pa walang malay sa mundo, ngunit damdamin ko sayo'y tila nahuhulog
[Sarah]
Bata mang ituring ako'y mayroon pagtingin, huwag mo sanang mapansin ako'y naglalambing
[Both]
Dahil hindi pa tamang panahon upang magmahalan kahit na puso ay nasasaktan
[Chorus]
Ako'y maghihintay lamang sa iyo hanggang umabot tayo sa takdang panahon, magtitiis, magbibigay kahit umabot pang habang buhay, ako'y maghihintay.
[Mark]
Habang ako'y naghihintay huwag sanang magbago, hindi ko kakayanin na ikaw ay lumayo
[Sarah]
Darating din ang araw at sasabihin ko kung ano ang tunay kong nadarama sa iyo
[Both]
Ngunit hindi pa tamang panahon upang magmahalan kahit na puso ay nasasaktan
[Chorus]
Ako'y maghihintay lamang sa iyo hanggang umabot tayo sa takdang panahon, magtitiis, magbibigay kahit umabot pang habang buhay
[Both]
Ay hindi magbabago ang damdamin ko sa'yo at balang araw ay magtatagpo ang mga puso
[Chorus]
Ako'y maghihintay lamang sa iyo hanggang umabot tayo sa takdang panahon, magtitiis, magbibigay kahit umabot pang habang buhay, ako'y maghihintay
AKO'Y MAGHIHINTAY...

Submitted by Guest